ang pagmamahal

  12:39 AM | posted by A.N.G.E.L 4 Comments

4 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Angel,

There will come a point in his life na pagsisisihan nya ang lahat ng ginawa nya sayo. I swear. I still believe in karma. May oras din sya. Just wait and see. Trust me. God is good and I know d ka nya pababayaan na lng. Maybe this is not the right time for you. Maybe God is still wrapping the perfect guy just for you. Just be happy and enjoy life. Wag na mamoblema especially if lalake lang. Marami pang mas gwapo sa kanya. LOL.

- Concerned Citizen (LOL) ^_^

October 27, 2009 at 1:31 AM  
Anonymous Nadine said...

Angel, tama yan :)
Wag kang padalos dalos lalo na kung di katiwatiwala yung tao..

Dadating din ang panahon, makikilala mo yung taong para sayo, wag mo pagaksayahan ng oras mga taong pinapaasa ka at ginagamit ka, may puso ka at dapat naisip niya yun, masyado siyang taking advantage :(

Mula ngayon, bilangin mo ang araw, alam ko dadating din si Prince Charming mo. Wag ka na malungkot ah?:) God bless!

October 27, 2009 at 2:32 AM  
Anonymous tiff k said...

Angel dear!!

grabe malapit na ako nanosebleed sa tagalog mo... Hindi ako sanay sa pagbabasa ng tagalog eh..

pero grabe, kaya mo ito sis! siya talaga ang may kawalan at hindi ikaw. Be strong and you can push through with this life's trial. Isang pagsusubok lang ito para sa susunod na mameemeet mo na mas trustworthy na! *hugz*

October 27, 2009 at 6:47 AM  
Anonymous Anonymous said...

angel just let the time do the work.. concerned citizen is right mrerealize din nya kung anu man nagawa na nya at planong gawin sayo para lang sa papel na gusto nya makuha. buti nalang nalaman mo agad.

October 28, 2009 at 7:40 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home

Alam naman nating lahat na walang taong perpecto lahat tayo ay mag pagkukulang. Pero hindi pwede gamitin ang ganitong rason at gamitin ito bilang panakip butas sa nakaraan. Hindi naman ako tangga pagdating sayo. Ayaw ko lang ung taong sinungaling. Alam namin natin lahat kung papano malaman kung ang isang lalaki nag papakita ng attraction sa iyo. Hindi rin naman mag sisinungaling ang iyong matalik na kaibigan at sabihin pa ito sa harapan ng mga magulang ko kung totoo nga ang sinasabi mo itoy nangangahulugan na sinungaling sila. Hindi ka rin naman tutuksuhin ng mga to kung wala ka sinabi o pinakita at higit higit sa lahat hindi ka magsasabi na susundan mo ako sa takdang panahon. Lahat ng ito ay pawang kasinungalingan lamang at hinayaan mo ako masaktan at pinaasa lamang sa bagay na hindi naman dapat.

Ang kasal ang inaalok lamang sa taong mahal mo at wala na sanang ibang rason pa para dun di pwede maging rason ang isang kapirasong papel o documento na ninanais mo para magpakasal ka sa isang tao. Kapag nagyari yun di ka lang nag sinungaling sa pamilya natin dalawa kundi pati sa nasa itaas.

Sana hindi mo ako pinaasa sa bagay na di dapat o sana di ka nalang nagpakita ng malisya o nagngako sa akin dahil ang pangakong iyon ang pinag hahawakan ko ilang taon na namalagi ako sa lugar kung nasan man ako ngayon.

Hindi naman ako aasa ng basta basta kung walang dahilan hindi rin ito basehan para bawiin mo ang lahat ng mga ito at sugatan ang nag iisang puso ko. Ang kasal na ito ay walang silbe kung di ka marunong mag mahal. Mahal kita pero ayaw ko pumasok sa isang kasinungalingang relasyon at sa huli akoy iiwan mo lamang.

Ito na siguro ang pinaka maling bagay na nagawa ko sa buong buhay ko ang mahalin ka. Sana pwede turuan ang puso. At sana pwede tayo mamili ng taong mamahalin natin. Sana hindi sila basta basta nanakit ng damdamin ng kapwa nila.

Ang sakit sakit isipin lalo na aayain ka nia na kasalang laro hays sana nga laro ito pero sa aking pananaw ang taong nagpapakasal ay ang taong nagmamahal at handang ibigay ang lahat upang mapanatili masaganda ang kanilang pagsasama at walang ibang rason kundi ang salitang nagmamahalan tayong dalawa at walang makaka pigil nito.

Sana darating ang araw na makapag isip sia at sabihin sa kanyang sarili sana di ko sia sinaktan, isang bagay lang ang nasa isip ko di ako papasok sa relasyong nais mo kung itoy hindi para sa pagmamahal at itoy para sa documento ang masasabi maghanap ka nlang ng iba kung ito'y balak mo.